Pag-upgrade ng Water Heater na Program

Go Electric at makakuha ng $1,200 na bill credit kapag lumipat ka sa isang malinis at mahusay na water heater

Bilang customer ng CleanPowerSF, malinis na ang ginagamit mong enerhiya sa iyong tahanan mula sa mga renewable na mga mapagkukunan tulad ng hangin at solar. Ngayon ay magiging mas malaki ang epekto mo sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-modernize ng iyong tahanan gamit ang malinis, ligtas, at napakahusay na dekuryenteng mga appliance, gaya ng Heat Pump Water Heater.

Sa pamamagitan ng aming Water Heater Upgrade Program, makakatanggap ka ng $50 na buwanang bill credit sa loob ng dalawang taon (hanggang tatlong taon kung nasa discount program ka tulad ng CARE/FERA) kapag lumipat ka sa malinis at mahusay na water heater.


Bakit Ako Mag-a-upgrade sa Heat Pump?  

Gawing moderno ang Tahanan Mo: Mas mahusay ang teknolohiya ng Heat Pump kaysa sa mga de-gas na appliance at itinatampok sa karamihan ng mga bagong tahanan. Lalo nang angkop ang pambihirang teknolohiyang ito sa ating banayad na klima sa San Francisco.


Bawasan ang pagkakalantad sa polusyon at panganib sa sunog:
Naglalabas ng nakakasamang pollutant sa tahanan mo ang mga de-gas na appliance. Napakadaling masunog ng gas, kaya mapanganib ito sa kalusugan at kaligtasan, lalo na kung may lindol o sunog.


Para sa Klima:
Isa ang pagbabawas at pagtigil sa paggamit ng gas sa pinakamahalagang maaari mong gawin para labanan ang climate change dahil binubuo ng paggamit ng residential at komersyal na gas ang higit sa one-third ng greenhouse gas emission ng San Francisco.


Kung Paano Gumagana ang mga Heat Pump

Diagram kung paano gumagana ang mga heat pump water heater, kabilang ang air intake (1), compressor (2), heating element (3) at mga digital na kontrol (4) (Source: New Buildings

Gumagana ang heat pump sa pamamagitan ng paglipat ng init sa halip na pagsunog ng gasolina. Para sa mga water heater, sinisipsip ng heat pump water heater ang init mula sa hangin sa paligid at inililipat iyon sa iyong tangke ng mainit na tubig. Dahil sa kakaibang paraang ito, hanggang pitong beses na mas mahusay ang heat pump water heater kaysa sa karaniwang de-gas na tangke ng water heater. Tinutulungan din ng mga Heat Pump Water Heater ang mga customer na maiwasan ang paggamit ngenerhiya sa mahal na peak hours sa pamamagitan ng pagpapainit nito sa mga oras ng hindi peak at pag-iimbak nito hanggang sa kailanganin na.


Paano Gumagana ang Programa

Ang aming bagong Water Heater Upgrade Program ay gagantimpalaan ka ng dalawang taon na $50 buwanang bill credits pagkatapos mong i-upgrade ang iyong kasalukuyang pampainit ng tubig at i-enroll ang iyong bagong pampainit ng tubig sa isang load shifting program.

Pagiging karapat-dapat

Para maging kwalipikado para sa Water Heater Upgrade Program, dapat maabot ng mga customer ang mga sumusunod na kahilingan:

Mag-click Dito para mag-apply para sa Bill Credit


Mga Madalas Itanong

Para sa mga tanong tungkol sa programa, makipag-ugnayan sa amin sa goelectric@sfwater.org